Dating Makati Mayor Junjun Binay, sinampahan na ng kaso sa Sandiganbayan

By Jan Escosio February 19, 2016 - 06:15 PM

mayor junjun binayIsinampa na sa Sandiganbayan ang mga kaso laban sa kay dating Makati City Mayor Junjun Binay kaugnay sa pagpapatayo ng kontrobersyal na Makati City Hall car park building.

Base sa impormasyon, two counts of graft at six counts of falsification of documents ang isinampa laban kay Binay.

Kabilang din sa mga kinasuhan ang ilang dating opisyal ng pamahalaang panglungsod at mga pribadong indibiduwal na sinasabing nagsabuwatan sa paggasta ng P2.2 billion para sa isang parking building.

Hindi dumaan sa tamang bidding process ang proyekto na sinimulan noong taong 2007.

Samantala bagama’t may probable cause din na kasuhan si Vice President Jejomar Binay, bilang isang impeachable official ay kailangan munang magtapos ang termino nito bago siya maisasama sa asunto.

Inaasahan na rin na sa Lunes ay maglalagak ng piyansa si Binay bago pa man makapaglabas ng warrant of arrest laban sa kanya ang Sandiganbayan.

Agad namang kinuwestyon ng kampo ng mga Bina yang nasabing aksyon ng Ombudsman.

Ayon kay Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ni Vice President Binay, hindi naman maitatanggi ang pagiging bias at impartial ng Office of the Ombudsman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.