Anti-Terror Bill, panlaban sa terorismo at hindi sa aktibismo ayon kay Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon June 15, 2020 - 11:59 AM

Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na kailangan maging alerto ang Pilipinas laban sa terorismo at sa anumang planong gawing ng mga terorista.

Sinabi ito ni Cayetano kasunod nang pag-apruba ng Kongreso sa kontrobersyal na anti/terror billa ba nakatakda nang lagdaan ni Pang. Duterte.

Ayon sa Speaker, matagal nang isyu ang terorismo na nilalaban ng lahat ng bansa hindi lang ang Pilipinas.

Habang naghahanap anya ang gobyerno ng panlaban dito, naghahanap rin ng paraan ang mga terorista para maiwasan ito.

Iginiit ni Cayetano na malinaw sa Anti-Terrorism bill na ipinasa ng Kongreso na ito ay panlaban sa terorismo at hindi aktibismo.

Maganda anyang unawain ang paliwanag ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez tungkol dito kung saan sinabi niyang kailangan na talagang repasuhin ang Human Security Act of 2007 dahil sa kawalan nito ng pangil.

Makalipas daw kasi ang 13 taon mula nang maisabatas ito ay isa lang ang nahatulan sa Human Security Act kaugnay ng Marawi seige.

 

 

TAGS: anti terror bill, House Speaker Cayetano, anti terror bill, House Speaker Cayetano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.