1 patay sa sunog sa Brgy. Kamputhaw sa Cebu City

Nasawi ang isang convenience store helper sa sunog na naganap sa Barangay Kamputhaw sa Cebu City, Lunes (June 15) ng madaling araw.

Tinupok ng apoy ang two-story apartment building sa Juana Osmeña extension sa naturang Barangay alas 2:47 ng madaling araw.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Mariechel Cabornay, na-trap sa loob ng tindahan kung saan siya natutulog ang biktimang si Gerson Ellera, 18 anyos.

Tinupok din ng apoy ang tinitirahan ng employer ni Ellera na si Victoria Amanduran.

Umabot sa 3rd alarm ang sunog bago naideklarang under control alas 3:12 ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa kisame ng convenience store na nasa ground floor ng apartment building.

Nadamay din maging ang mga unit na nasa second-floor.

Tinatayang aabot sa P2 million ang halaga ng pinsala ng sunog.

 

 

 

Read more...