BREAKING: Maria Ressa hinatulang guilty sa kasong cyber libel
Guilty ang hatol ng korte kay Rappler CEO Maria Ressa at dating researcher-writer ng Rappler na si Reynaldo Santos sa kasong cyber libel.
Ang hatol ay inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 46 sa sala ni Judge Rainelda Estacio-Montesa.
Base na desisyon ni Estacio-Montesa, napatunayang guilty beyond reasonable doubt si Ressa at Santos sa kasong ibininintang sa kanila.
Dahil dito, ipinag-utos ng husgado ang pagkakakulong ng sa mga ito ng anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon na pagkakakulong.
Inatasan din ng korte ang dalawa na maglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan.
Pinagbabayad din sila ng P200,000 na moral damages at P200,000 exemplary damages.
Si Ressa at Santos ay kinasuhan noong Jan. 2019 dahil sa artikulo tungkol sa negosyanteng si Wilfredo Keng na nagsasangkot dito sa human trafficking at drug smuggling.
Nakalagay din sa artikulo na sangkot sa human trafficking at drug smuggling ang negosyante.
Sinabi ng prosekusyon na unang nailathala ang artikulo noong May 2012 pero muli itong ipinublished noong February 2014 kaya sakop ito ng Cyber Libel Law.
Sa kanyang panig sinabi ng akusado na naging epektibo lamang ang batas noong April 2014 matapos katigan ng Supreme Court ang legalidad nito at inalis ang naunang temporary restraining order upang ito ay maipatupad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.