1,600 pang OFWs negatibo sa COVID-19

Mayroong 1,600 pang umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, as of 9:52 ng gabi ng Linggo (June 14) 1,600 pa na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Maaring makita ang listahan ng mga nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/3hqf2Mp

Ang mga nasa listhaan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

Bibigyan sila ng quarantine clearance pagdating nila sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

 

 

Read more...