1,600 pang OFWs negatibo sa COVID-19
Mayroong 1,600 pang umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.
Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, as of 9:52 ng gabi ng Linggo (June 14) 1,600 pa na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.
Maaring makita ang listahan ng mga nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/3hqf2Mp
Ang mga nasa listhaan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.
Bibigyan sila ng quarantine clearance pagdating nila sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.