OVP nakapagpauwi na ng 784 na locally stranded individuals

By Dona Dominguez-Cargullo June 15, 2020 - 08:02 AM

Patuloy ang pakikipagtulungan ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo sa mga lokal na pamahalaan upang mapauwi sa kani-kanilang mga bayan at probinsya ang mga na-stranded sa Metro Manila.

Nitong mga nagdaang linggo umaabot sa 784 na locally stranded individuals (LSIs) ang natulungan ng OVP para makauwi.

Sila ay umuwi sa Albay, Quezon Province, Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Samar, at Masbate.

Upang siguruhing ligtas ang mga umuwing LSIs, sumailalim muna sa disinfection procedures at temperature check ang bawat pasahero bago makasakay sa bus.

Patuloy na pakikiisa ng OVP sa iba’t ibang LGUs na tatanggap muli sa kanilang mga kababayang naipit sa Metro Manila sa gitna ng ipinatupad na malawakang community quarantine.

Kasama sa mga dokumentong kailangan ng LSI ang medical certificate at ang authorization mula sa lokal na pamahalaan ng kanilang uuwiang lugar.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, locally stranded individuals, LSIs, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OVP, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, locally stranded individuals, LSIs, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OVP, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.