Pinakamataas na dagdag sa kaso ng COVID-19 sa Saudi Arabia naitala
By Dona Dominguez-Cargullo June 15, 2020 - 06:32 AM
Naitala sa Saudi Arabia ang pinakamataas na dagdag sa kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw.
Araw ng Linggo, June 14 ay nakapagtala ang Saudi Arabia ng 4,233 na bagong kaso.
Dahil dito umakkyat na sa 127,541 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mayroon namang 972 na nasawi sa Saudi Arabia dahil sa sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.