Ayon sa PAGASA, apektado ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) ang buong Visayas, buong Mindanao, Bicol Region at MIMAROPA.
Dahil sa ITCZ ang nasabing mga lugar ay makararanas ngayong araw ng kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ngayong araw
Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
MOST READ
LATEST STORIES