Malaking bahagi ng bansa makararanas ng pag-ulan dahil sa ITCZ
Magiging maulap ang papawirin at makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, apektado ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) ang buong Visayas, buong Mindanao, Bicol Region at MIMAROPA.
Dahil sa ITCZ ang nasabing mga lugar ay makararanas ngayong araw ng kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ngayong araw
Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.