Health workers na nagpositibo sa COVID-19, 2,869 na – DOH
Iniulat ng Department of Health (DOH) na mayroong panibagong healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa datos ng kagawaran, umakyat na sa 2,869 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang June 13.
Sa nasabing bilang, 997 ang aktibong kaso kung saan 54 ang asymptomatic, 943 ang mild at walang mayroong severe condition.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 743
– Nurse – 1,047
– Nursing Assistant – 188
– Medical Technologist – 114
– Radiologic Technologist – 56
Nasa 379 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Samantala, 1,839 ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit hanggang June 13.
Sinabi pa ng DOH na 33 ang mga pumanaw na medical worker bunsod ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.