Mga lisensyadong COVID-19 testing laboratories sa bansa, nasa 44 na
Nasa dalawa pang laboratoryo ang maaaring makapagsagawa ng RT-PCR testing para sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa update ng Department of Health (DOH) hanggang June 13, ang Green City Medical Center at Northern Mindanao TB Regional Center ang bagong laboratoryo na umabot sa Stage 5 para makapagsagawa ng COVID-19 testing.
Dahil dito, umakyat na sa 44 ang mga lisensyadong COVID-19 testing laboratory sa bansa.
Nasa 15 naman ang mga lisensyadong Gene Xpert laboratories.
Samantala, sa datos pa ng DOH, 151 ang bilang ng laboratory applications.
Nasa kabuuang 125 naman ang mga laboratoryo na nasa stage 3 at pataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.