Curfew sa Thailand, aalisin na simula sa June 15
Aalisin na ang ipinatutupad na curfew sa Thailand simula sa June 15.
Ito ay matapos aprubahan ng Center for Covid-19 Situation Administration (CCSA) sa Thailand ang rekomendasyon na alisin na ang night curfew mula 11:00 ng gabi hanggang 3:00 ng madaling-araw.
Natalakay ang naturang usapin sa idinaos na pulong noong Biyernes, June 12, at pinangunahan naman ni Prime Minister Prayut Chan-o-cha.
Sa kabila nito, mananatili pa ring nakataas ang state of emergency sa nasabing bansa.
Magiging mahigpit pa rin anila ang pagbiyahe papasok at palabas ng Thailand.
Napagdesisyunan din ng CCSA na maaari nang gamitin ang school school buildings o sports sa ikaapat na phase ng pagpapaluwag ng lockdown.
Papayagan na rin ang pagbebenta ng mga nakalalasing na inuman at pagdaraos ng concert.
Ngunit, mananatiling sarado ang mga bar sa Thailand.
Inirekomenda ng National Security Council ang pag-aalis ng night curfew sa naturang bansa sa loob ng 15 araw na trial period.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.