Fatality rate sa COVID-19 sa Pilipinas sa Hunyo, bumaba – DOH
Bumaba ang fatality rate sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Pilipinas para sa buwan ng Hunyo, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba sa 4.24 porsyento ang case fatality rate sa bansa hanggang June 13.
Mas mababa ito kumpara sa naitalang 5.52 porsyentong case fatality noong buwan ng Mayo.
Ayon pa kay Vergeire, mas mababa rin ito sa case fatality rate sa buong mundo na anim na porsyento.
Sa huling datos ng DOH hanggang June 13, sumampa na sa 25,392 ang mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.