Na-repatriate na overseas Filipinos, umabot na sa higit 40,000 – DFA

By Angellic Jordan June 13, 2020 - 04:51 PM

Umabot na sa 40,930 na overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Filipinong apektado ng COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Naitala ang nasabing datos mula February hanggang June 12.

Ayon sa kagawaran, sa nasabing bilang, 23,714 o 58 porsyento ang sea-based habang 17,216 o 42 porsyento ang land-based.

Karamihan sa mga bagong napauwing OFW ay mula sa Germany at Saudi Arabia.

Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.

Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 update, DFA, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, OFW repatriation, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 update, DFA, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, OFW repatriation, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.