Isang grupo, iginiit na hindi SAF ang nakapatay kay Marwan
Muling binuhay ng isang grupo ang isyung hindi Special Action Force (SAF) ang nakapatay sa Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.
Ayon kay Jesus “Peping” Agdumag ng Anti-War Anti-Terror (AWAT) Mindanao Party List, si Marwan ay napatay ng kaniyang aide at hindi ng mga tauhan ng SAF gaya ng pinaninindigan ng pamahalaan.
Tinukoy ni Agdumag ang aide na nakapatay kay Marwan na si Datukan Singgagao.
Samantala, isa ring source ng Inquirer na nagsiyasat sa Mamasapano encounter ang may parehong impormasyon at pinangalanan din ang isang “Singgagao” na nakapatay kay Marwan.
Ayon sa nasabing source, si Singgagao ay buhay pa at nagtatago.
Ang AWAT Mindanao Party List na isang political group ay binubuo ng mga Mindanaoans.
Ayon sa grupo, nagpadala na sila ng kopya ng kanilang findings sa tanggapan ni Senator Juan ponce-Enrile at Sen. Grace Poe bago ang muling pagbubukas ng senate investigation sa Mamasapano encounter noong Jan. 27.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.