Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (June 13), umabot na sa 25,392 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 18,281 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 607 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 504 ang “fresh cases” habang 103 ang “late cases.”
Nasa 22 pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,074 na.
Ayon pa sa DOH, 252 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 5,706 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES