Pinakamataas na dagdag sa kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ang Eastern Visayas ng highest number ng confirmed COVID-19 case sa loob ng isang araw, simula nang magkaroon ito ng unang kaso noong March 23.
Ayon sa Department of Health Eastern Visayas, mayroon 44 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon ngayong araw, June 12.
Sa nasabing bilang, 42 ang bagong kaso at 2 ang repeat test ng dalawang pasyente na mula Tarangnan, Samar at Naval, Biliran.
Narito ang mga impormasyon ng 42 mga pasyente:
– 1 mula saMacrohon, Southern Leyte (Patient EV-91)
– 2 mula Padre Burgos, Southern Leyte (Patients EV-92 & 93)
– 1 mula Hilongos, Leyte (Patient EV-94)
– 1 mula Lapaz, Leyte (Patient EV-95)
– 1 mula Tacloban City (Patient EV-96)
– 17 mula Alang-Alang, Leyte (Patients EV-97 to EV-113)
– 5 mula Bato, Leyte (Patients EV-114 to EV-118)
– 2 mula Gandara, Samar (Patients EV-119 to EV-120)
– 11 mula Dagami, Leyte (Patients EV-121 to EV-131)
– 1 mula Almeria, Biliran (Patient EV-132)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.