TD Butchoy bumilis pa, lalabas na ng bansa ngayong gabi

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 07:42 PM

Bumilis ang pagkilos ng tropical depression Butchoy at inaasahang lalabas na ito ng bansa ngayong gabi.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 285 kilometers west ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot 70 kilometers bawat oras.

Habang patungo sa Southern Portion ng China ang bagyong Butchoy ay inaasahang lalakas pa ito.

Ayon sa PAGASA, apektado ng naman ng Southwest Monsoon o Habagat ang western sections ng Southern Luzon at Visayas.

Dahil sa Habagat at bagyong Butchoy, nakataas ang gale warning sa baybaying dagat ng sumusunod na mga lalawigan:

Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Zambales

 

 

 

TAGS: Butchoy, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Butchoy, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.