Kaso ng COVID-19 sa Navotas, 298 na

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 06:32 PM

Umakyat na sa 298 ang kaso ng COVID-19 sa Navotas City.

Sa datos mula sa Navotas LGU, sa nasabing bilang, 120 pa ang aktibong kaso habang mayroong 142 na naka-recover na.

Mayroon namang 36 na pumanaw sa Navotas dahil sa COVID-19.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, magta-tatlong buwan na nang magdeklara ng community quarantine ngunit araw-araw ay may nadadagdag pa ring kaso sa lungsod.

Nananatiling ang Brgy. Navotas West ang may pinakamaraming aktibong kaso na 17.

Sumunod ang Brgy. NBBS Proper na mayroong 12 pang aktibong kaso.

 

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, navotas, Navotas LGU, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, navotas, Navotas LGU, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.