BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan ng 615 pa

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 06:21 PM

Mayroong 280 na iniulat ang Department of Health (DOH) na panibagong gumaling sa sa COVID-19 sa bansa sa nakalipas na 24-oras.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (June 12), pumalo na sa 5,454 ang total recoveries sa Pilipinas.

Samantala, sumampa na sa 24,787 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala ng 615 pa na dagdag na kaso.

Sa nasabing bilang, 336 ang “fresh cases” habang 279 naman ang “late cases”

Sinabi pa ng DOH na 16 pa nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Dahil dito, ang COVID-19 related deaths sa bansa ay umabot na sa 1,052.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, COVID-19 update, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 update, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.