Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,783

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (June 12, 3:00 PM) nakapagtala ng 27 bagong kaso kaya pumalo na sa 1,783 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 418
Laguna – 523
Batangas – 218
Rizal – 495
Quezon – 129

Nasa 963 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 9 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 161
Laguna – 335
Batangas – 138
Rizal – 237
Quezon – 91

Nadagdagan ng 3 ang COVID-19 related deaths sa rehiyon kaya umabot na ito sa 165.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 30
Laguna – 37
Batangas – 26
Rizal – 66
Quezon – 9

 

 

Read more...