Parañaque City nakapagtala pa ng 10 bagong kaso ng COVID-19
May naitala pang sampung bagong kaso ng COVID-19 sa Parañaque City.
Hanggang June 12, 2020 ay umabot na sa 820 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 223 ang aktibong kaso, 547 ang naka-recover na at 50 ang nasawi.
Narito ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga barangay sa Parañaque:
Baclaran – 43
Don Galo – 2
La huerta – 8
San Dionisio – 45
San Isidro – 14
Sto Niño – 7
Tambo – 14
Vitalez – 7
BF Homes – 14
Don Bosco – 3
Marcelo Green – 5
Merville – 1
Moonwalk – 14
San Antonio – 12
San Martin De Porres – 4
Sun Valley – 8
Unknown barangay – 22
Muling nagpaalala si Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa publiko na sundin ang mga alituntunin sa ilalim ng “General Community Quarantine”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.