Sa heavy rainfall warning na inilabas ng PAGASA alas 4:33 ng hapon, June 12 yellow warning ang nakataas sa mga bayan ng Santa Cruz, Masinloc, Palauig, Iba at Botolan sa Zambales.
Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan Metro Manila, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, at Rizal.
Ganito din ang lagay ng panahon sa Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, Bataan at Tarlac.
Pinayuhan ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha lalo na sa mababang lugar.
MOST READ
LATEST STORIES