PNoy nakabalik na sa bansa mula sa US

RTVM Photo
RTVM Photo

Nakabalik na si Pangulong Benigno Aquino III mula sa working visit nito sa Amerika.

Dumating ang sinasakyan nito at ng kanyang delegasyon na airbus 343 flight PR 001 alas 7:05 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nabatid na ineskortan pa ang eroplano ni Pangulong Aquino ng dalawang FA-50 ng Philippine Airforce nang ito ay nasa himpapawid ng Polilio Islands alas 6:37 ng umaga habang naghahanda ito sa paglapag sa NAIA.

Ang dalawang FA-50 ay idineliver sa bansa noong November 2015 at bahagi ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang natitirang eroplano na kukumpleto sa isang squadron na inorder ng militar ay inaasahang makukumpleto sa susunod na taon o sa 2017.

Sa kanyang talumpati, ibinida nito ang mga potensyal na investment na posibleng ibunga ng kanyang mga puling sa mga negosyante sa California pati na ang mga mabunga nitong pakikipag-usap sa mga kapwa niya lider sa Asean na dumalo sa meeting kasama si US President Obama.

Read more...