Bagong kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City, LSI na galing Cebu

Locally stranded individual na mula Cebu City ang panibagong kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City.

Ayon sa abiso ng Task Force COVID-19, ang bagong pasyente ay isang 12-anyos na batang lalaki.

Lulan ito ng sweeper flight mula Cebu nang dumating sa Zamboanga City noong May 31.

Agad itong isinailalim saquarantine sa isang hotel nang dumating sa lungsod.

Matapos magpositibo ay inilipat ito sa Lantaka isolation facility.

 

 

 

 

Read more...