21 pang Pinoy abroad, nagpositibo sa COVID-19
Nasa 21 pa ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 12, umakyat na sa 5,490 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 51 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,726 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Umabot naman na sa 2,369 ang gumaling na overseas Filipinos.
Samantala, umakyat naman sa 395 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,398 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 871 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 670 naman ang kaso sa Americas at 551 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.