Pilipinas prayoridad ng China sa bakuna kontra COVID-19
Nagkausap sa telepono sina Pangulong Rodrigo Duterte ay Chinese President Xi Jinping.
Ayon sa Palasyo ng MalakanyangHuwebes (June 11) ng gabi ang pag-uusap ng dalawang lider na tumagal ng 38 minuto.
Sa pahayag ng Palasyo, tinalakay ng dalawa ang progreso ng paglaban sa COVID-19 at ang magiging stratehiya sa pagbabalik ng ekonomiya.
Kapwa din nagbigay ng commitment ang dawalang lider sa paglaban sa sakit bilang bahagi ng international efforts upang maiwasan ang paglaganap pa ng virus.
Binanggit ng pangulo kay Xi ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagsasagawa ng research trials para sa COVID-19 vaccine development at ang importansya na maging accessible at abot-kaya ang bakuna sa lahat ng bansa.
Tiniyak naman ni President Xi na ang nililikhang bakuna ng China ay available para sa lahat ng bansa at dahil ang Pilipinas ay isang “friendly neighbor”, magiging prayoridad ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.