Dating Pangulong Emilio Aguinaldo tinukoy bilang Andres Bonifacio; PTV humingi ng paumanhin

Humingi ng paumanhin ang PTV sa nangyaring pagkakamali habang naka-live ang selebrasyon para sa ika-122 anibersaryo ng Independence Day.

Sa live airing, may ipinakitang larawan ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo pero ang pangalang nakasulat ay Andres Bonifacio.

Sa pahayag ng PTV, naitama na ang pagkakamali at iu-upload sa social media pages ng network ang corrected version.

Tiniyak din ng PTV na sa ilalim ng bagong management, ay magsasagawa ng tranining at skills development para maiwasan ang kahalintulad na insidente.

 

 

 

 

Read more...