Sa pahayag ng PAGASA, ang epekto ng Tropical Depression “Butchoy” at Southwest Monsoon o Habagat sa nakalipas na ilang mga araw ay nagdala ng sapat na dami ng tubig-ulan sa western sections ng Luzon at Visayas.
Dahil dito, nakamit na ang ‘criteria’ para sa pagdedeklara ng panahon ng tag-ulan.
Sa mga lugar na apektado ng Habagat, magpapatuloy ang mararanasang pag-ulan at thunderstorms sa susunod na mga araw.
Pero ayon sa PAGASA, maar pa rin namang makaranas ng dry periods o monsoon break na pwedeng tumagal ng ilang araw hanggang dalawang linggo.
MOST READ
LATEST STORIES