Panahon ng tag-ulan nagsimula na ayon sa PAGASA
Opisyal nang inanunsyo ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan o “rainy season” sa bansa.
Sa pahayag ng PAGASA, ang epekto ng Tropical Depression “Butchoy” at Southwest Monsoon o Habagat sa nakalipas na ilang mga araw ay nagdala ng sapat na dami ng tubig-ulan sa western sections ng Luzon at Visayas.
Dahil dito, nakamit na ang ‘criteria’ para sa pagdedeklara ng panahon ng tag-ulan.
Sa mga lugar na apektado ng Habagat, magpapatuloy ang mararanasang pag-ulan at thunderstorms sa susunod na mga araw.
Pero ayon sa PAGASA, maar pa rin namang makaranas ng dry periods o monsoon break na pwedeng tumagal ng ilang araw hanggang dalawang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.