Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 11:27 AM

Makararanas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa rainfall advisory ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga ngayong Biyernes (June 12) mahina hanggang katamtaman na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Laguna, Batangas, Bulacan, Cavite, Rizal at Nueva Ecija sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac at Quezon.

Ang pag-ulan ay dulot ng tropical depression Butchoy at ng Habagat.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha lalo na sa mga naninirahan sa mababang lugar.

 

 

TAGS: habagat, Inquirer News, Metro Manila, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, habagat, Inquirer News, Metro Manila, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.