Malakanyang nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr.
By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 11:18 AM
Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa mga naulila ni dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr.
Sa kaniyang mensahe, ipinaabot ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pakikidalamhati sa pamilya, mga kaibigan, kasamahan at mahal sa buhay ni Yasay.
Si Yasay ay nagsilbing kalihim ng Department of Foreign Affairs sa ilalim ng Duterte Administration.
Sa kaniyang pagreretiro sa gobyerno ay nagsilbi naman sila bilang Chairman ng Board of Trustees ng Philippine Christian University.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.