LOOK: Sitwasyon ng mga hayop sa Manila Zoo ngayong may pandemic ng COVID-19

Sa kasagsagsan ng pandemic ng COVID-19 tinitiyak ng pamunuan ng Public Recreation Bureau (PRB) na hindi napapabayaan ang mga hayop sa Manila Zoo.

Ayon sa PRB tuloy ang pag-aaruga sa mga hayop sa kabila ng ipinatutupad na community quarantine sa Metro Manila at pagkakaroon ng skeletal workforce lamang ng ahensya.

Ayo kay Manila PRB Director Pio Morabe, palagiang palagiang may nakaantabay na beterinaryo para sa check-up ng mga hayop at caretakers para sa paglilinis at pagpapakain.

Kasalukuyan pa ring sarado sa publiko ang Manila Zoo.

Ang Manila Zoo ay isinara sa publiko bago pa magkaroon ng pandemic ng COVID-19 dahil isasailalim ito sa rehabilitasyon.

 

 

Read more...