Kaso ng COVID-19 sa Brazil mahigit 800,000 na

Sumampa na sa mahigit 800,000 ang kaso ng COVID-19 sa Brazil.

Sa pinakahuling datos ay umabot na sa 805,649 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa Brazil dahil sa COVID-19 ay mahigit 41,000 na.

Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

Habang pangatlo na ito sa mga bansang mayroong pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

Ang United Kingdom ang pangalawang bansa na mayroong pinakamaraming bilang ng nasawi na umabot na sa 41,279.

 

 

Read more...