Pangulong Duterte balik Maynila na ngayong weekend

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 09:10 AM

Uuwi na ng Metro Manila ngayong weekend si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi nitong mula Davao City ay babalik na sa Malakanyang ang pangulo.

Sa Malakaniyang na aniya isasagawa ang pulong ng pangulo sa Inter Agency Task Force (IATF).

At doon na rin iaanunsyo ng pangulo ang magiging pasya sa ipatutupad na community quarantine sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa sa June 15, araw ng Lunes.

Magugunitang ang nakaraang pulong ng IATF kasama ang pangulo ay sa Davao City isinagawa.

Umuwi ng Davao City ang pangulo matapos na mag-GCQ na sa Metro Manila, dahil matagal itong hindi nakabiyahe pauwi bunsod ng umiral na lockdown.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, Davao City, department of health, general community quarantine, Health, IATF, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, Davao City, department of health, general community quarantine, Health, IATF, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.