TD Butchoy nasa bahagi na ng Iba, Zambales; Signal #1 sa ilang lalawigan inalis na ng PAGASA

Nasa bahagi na ng Iba, Zambales at patungo na ng West Philippine Sea ang Tropical Depression Butchoy.

Huling namataan ang bagyo sa layong 50 kilometers West ng Iba, Zambales.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong West Northwest.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Zambales
– portion ng Pangasinan (Bolinao, Anda, Bani, Agno, Alaminos City, Burgos, Dasol, Mabini, Sual, Labrador, Infanta)

Ngayong araw ang bagyo ay magdudulot pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Zambales, Bataan, Pampanga, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, at Occidental Mindoro.

Mahina hanggang katamtaman naman at kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Visayas, Caraga, Davao Region, at nalalabing bahagi ng Luzon.

 

Read more...