Sen. Villanueva sa pagbubuwis sa online sellers: Wala na ngang ayuda, bubuwisan pa

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 08:41 AM

Joel Villanueva Facebook

Dismayado si Senator Joel Villanueva sa pasya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan ng buwis ang mga online seller.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ng senador na dapat ngang magpasalamat ang pamahalaan dahil likas na madiskarte ang mga Filipino.

Nakalulungkot ayon sa senador na hindi na nga nakatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan ay bubuwisan pa ang online sellers na maliit lamang naman ang kinikita.

Sa halip na targetin ang online sellers, sinabi ni Villanueva na dapat ang mga POGO ang tutukan ng BIR.

Umaabot aniya sa P50 billion ang utang na buwis ng POGO sa gobyerno simula pa noong nakaraang taon.

 

 

 

 

TAGS: BIR, Inquirer News, News in the Philippines, online sellers, Radyo Inquirer, Senator Joel Villanueva, Tagalog breaking news, tagalog news website, tax, BIR, Inquirer News, News in the Philippines, online sellers, Radyo Inquirer, Senator Joel Villanueva, Tagalog breaking news, tagalog news website, tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.