outbrain

First look sa bagong PS5 console ng Sony

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 08:33 AM

Pormal nang ipinakita sa publiko ng kumpanyang Sony ang itsura ng pinakabago nitong produkto na PlayStation 5 console.

Ipinakita ng Sony ang standard edition at ang digital edition ng produkto.

Ang PlayStation 5 ay mayroong sleek, vertical design na kulay puti at itim.

Ipinakita na rin ng Sony ang accessories para sa bagong consoles.

Ang DualSense controller aymayroong haptic feedback at built-in microphone.

Mayroon ding a Charging Station para sa dalawang DualSense controllers, HD Camera para sa motion tracking, Pulse 3D Wireless Headset, at Media Remote para magamit ang console bilang Blu-ray player at streaming box.

Inilabas din ang mga bagong games gaya ng Spider-Man: Miles Morales, Horizon Forbidden West, Gran Turismo 7, Ratchet & Clank: Rift Apart, Resident Evil Village, NBA 2K21, Deathloop, Hitman III, at maraming iba pa.

Inaasahang magiging available sa merkado ang PS5 sa katapusan ng taon.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Playstation 5, PlayStation 5 console, PS5, Radyo Inquirer, sony, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, Playstation 5, PlayStation 5 console, PS5, Radyo Inquirer, sony, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.