ES Medialdea pinangunahan ang aktibidad sa paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 08:01 AM

Si Executive Secretary Salvador Medialdea ang kumatawan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa aktibidad sa paggunita ng Araw ng Kalayaan ngayong araw sa Maynila.

Ang selebrasyon ay gaganapin sa Rizal Park.

Ang ika 122 taon na paggunita ng Araw ng Kalayaan ay mayroong tema na Kalayaan 2020: Towards a Free, United and Safe Nation.

Maliban kay Medialdea darating din sa Rizal Park si National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Dr. Rene Escalante.

Naroroon na rin si Manila Mayor Isko Moreno.

Sa aktibidad, bibigyan ng pagkilala ang mga frontliner sa bansa na nakikipaglaban sa COVID-19.

Tampok din ang virtual Independence Day message mula kay Pangulong Duterte.

 

 

TAGS: Araw ng Kalayaan, independence day, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rizal Park, Tagalog breaking news, tagalog news website, Araw ng Kalayaan, independence day, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rizal Park, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.