Pormal na pagsisimula ng rainy season nakatakdang ideklara ng PAGASA
Nakatakda nang ideklara ng PAGASA ang pormal na pagpasok ng rainy season sa bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, nahahatak ng tropical depression Butchoy ang Hanging Habagat.
At dahil sa pag-ulan na naidudulot ng bagyo, nakamit na ang criteria para ganap na maideklara ang panahon ng tag-ulan.
Sa ngayon ang ulang nararanasan sa malaking bahagi ng bansa ay bunsod ng bagyong Butchoy at Habagat na hinahatak nito.
Simula kahapon ay nakaranas na ng hanggang sa malakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.
Ang tropical depression Butchoy ang ikalawang bagyo pa lamang sa bansa ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.