Dalawang empleyado ng Power Plant Mall nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 06:24 AM

Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang empleyado ng Power Plant Mall.

Ayon sa pamunuan ng kumpanya, simula June 8, 2020 ay nagsagawa sila ng rapid testing sa mga empleyado nila bilang precautionary measures sa pagbabalik operasyon ng mall.

Sa rapid test, nagpositibo ang dalawang pasyente kaya agad silang ipinasailalim sa swab test at kahapon, June 11 ay lumabas ang resulta na positibo sila sa COVID-19.

Sa pahayag ng mall, si Patient 1 ay bahagi housekeeping team ng mall at nakatalaga sa R1 Level Mall Expansion North sa female bathroom.

Habang si Patient 2 naman ay security personnel ng mall at nakatalaga bilang roving guard sa R3 Level.

Ang dalawang pasyente ay isinailalim na sa quarantine simula pa noong June 8.

Nang i-review ang CCTV footage ng mall, wala namang high-risk contacts ang dalawa sa customers ng mall at tenant staff nito.

Ang mga kasamahan nila na nagkaroon ng close contact sa dalawang pasyente ay pawang nag-negatibo na sa rapid test.

Nagsagawa na ng sanitation sa lahat ng lugar na pinuntahan ng mga pasyente at nakatakda ring magsagawa ng total disinfection sa buong Power Plant Mall.

Ayon pa sa pamunuan ng mall, bilang pag-iingat, tuwing ikalawang linggo ay isasailalim nila sa rapid test ang mga empleyado nila.

Oobligahin din ang lahat ng tenant staff na sumailalim sa rapid testing.

 

 

TAGS: BUsiness, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 positive, department of health, general community quarantine, guard, Health, housekeeper, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Power Plant Mall, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 positive, department of health, general community quarantine, guard, Health, housekeeper, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Power Plant Mall, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.