Sarangani, Davao Occidental dalawang beses niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 149 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-4:23 madaling araw ng Biyernes (June 12).

May lalim na 109 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa nga ari-arian, intensities at aftershocks.

Una nang naitala ang magnitude 4.0 din na lindol sa Sarangani alas 12:21 ng madaling araw.

 

 

Read more...