Malawakang “Mañanita Party” ng mga progresibong grupo ngayong Araw ng Kalayaan kasado na

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 05:57 AM

Sa ng paggunita ng ika 112 aniberasryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw ng Biyernes, June 12 ay ikinasa ng malawakang pagkilos ang iba’t ibang progresibong grupo.

Pero sa halip na kilos protesta ay tinawag na “Mañanita Party” ang gagawing mga pagkilos.

Sa abiso ng League of Filipino Students – UP Manila lahat ng lalahok sa pagkilos ay inabisuhang magdala ng extra shirt at maraming tubig.

Alas 10:00 ng umaga ay magkakaroon ng pagtitipun-tipon sa UP Diliman University Avenue.

Ang grupong Movement Against Tyranny sa Bicol Region magsisimula ang programa sa bahagi ng Plaza Quince Martires alas 9:30 ng umaga.

Pagkatapos nito ay magmamartsa ang grupo patungong Plaza Oragon.

May mga pagkilos din sa iba pang bahagi ng bansa.

Una nang nagpa-abiso ang Philippine National Police (PNP) na paiiralin ang maximum tolerance sa mga protestang gagawin ngayong araw.

Ayon sa PNP, pakikiusapan ang mga magpoprotesta na mapayapang mag-disperse pagkatapos ng sapat na panahon na ibibigay sa kanila ng mga pulis.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, independence day, Inquirer News, Mañanita Party, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Protest Rally, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, independence day, Inquirer News, Mañanita Party, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Protest Rally, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.