Bagyong Butchoy lalakas pa bilang tropical storm; magpapaulan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 05:32 AM

Makararanas ng pag-ulan ngayong araw ang malaking bahagi ng bansa dahil sa tropical depression Butchoy at hinahatak nitong Habagat.

Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa bisinidad ng San Felipe, Zambales.

Napanatili nito ang lakas nito na 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na lugar:

• Pangasinan
• Zambales
• Bataan
• Tarlac
• Pampanga
• Nueva Ecija
• Bulacan

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas sa sandaling nasa bahagi na ng West Philippine Sea ay lalakas pa ang bagyo at magiging tropical storm.

Pero bukas ng madaling araw ay inaasahang lalabas na ito ng bansa.

Ngayong araw, ang bagyo ay magdudulot ng katamtaman hanggang s amalakas at kung minsan ay matinding pag-ulan sa Zambales, Bataan, Pampanga, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, at ang Occidental Mindoro.

Mahina hanggang katamtaman naman at kung mnominsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan sa CALABARZON, Visayas, Caraga, Davao Region, at nalalabi pang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Hanggang bukas ay inaasan na magdudulot pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan ang bagyong Butchoy, pero sa Linggo ay maaring bumuti na ang lagay ng panahon.

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression Butchoy, weather, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression Butchoy, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.