Sa datos ng kagawaran, umakyat na sa 2,808 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang June 10.
Sa nasabing bilang, 1,111 ang aktibong kaso kung saan 137 ang asymptomatic, 973 ang mild at isa ang may severe condition.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 743
– Nurse – 1,022
– Nursing Assistant – 184
– Medical Technologist – 112
– Radiologic Technologist – 58
Nasa 362 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Samantala, 1,664 ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit hanggang June 10.
Sinabi pa ng DOH na 33 ang mga pumanaw na medical worker bunsod ng COVID-19.