#ButchoyPH, tumama sa kalupaan ng Polillo at Infanta, Quezon
By Angellic Jordan June 11, 2020 - 09:28 PM
Dalawang beses nang nag-landfall ang Tropical Depression Butchoy, ayon sa PAGASA.
Sinabi ng weather bureau na unang tumama ang bagyo sa kalupaan ng Polillo, Quezon bandang 5:30 ng hapon.
Makalipas ang 30 minuto, nag-landfall muli ang bagyo sa bahagi naman ng Infanta, Quezon bandang 6:00 ng gabi.
Sinabi ng PAGASA na bantayan ang pinakahuling update sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.