Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 388 na

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Huwebes, June 11 6PM) umakyat na sa 388 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 .

Sa nasabing bilang ay mayroong 233 pulis na nakarecover na habang nananatili pa rin sa 5 ang bilang ng nasawi.

Ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 696 na at 785 naman ang suspected cases.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Read more...