BI Main Office, balik-operasyon sa June 15

Inanunsiyo ng Bureau of Immigration (BI) na magbabalik-operasyon ang kanilang punong tanggapan sa araw ng Lunes, June 15.

Sa inilabas na abiso, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay matapos ang masusing pagsasagawa ng disinfection sa lahat ng opisino sa main building ng ahensya.

Maaaring matignan ng mga kliyente na may confirmed online appointment mula June 8 hanggang 11 ang kanilang bagong schedule sa official website ng ahensya na immigration.gov.ph.

“Furthermore, BI Officials and employees unable to subject themselves to an Antibody Rapid Test shall continue to work from home, as may applicable,” pahayag pa nito.

Read more...