Sinabi ni PAGASA weather specialist Chris Perez na huling namataan ang bagyo sa layong 75 kilometers Northwest ng Daet, Camarines Norte o 95 kilometers East ng Infanta, Quezon bandang 4:00 ng hapon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Maliban sa Central at Southern Luzon at ilang bahagi ng Visyas, nagdudulot din aniya ng pag-ulan sa Western section ng Mindanao dulot naman ng Habagat.
Bunsod ng bagyo, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Pangasinan
– Zambales
– Bataan
– Tarlac
– Nueva Ecija
– Bulacan
– Southern portion ng Aurora (Dingalan, San Luis)
– Metro Manila
– Rizal
– Laguna
– Cavite
– Northern at central portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Panukulan, Burdeos, Polillo, Patnanungan, Jomalig, Mauban, Sampaloc, Lucban, San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, Lopez, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez)
– Camarines Norte
Ayon pa kay Perez, posibleng dumaan ang bagyo sa Polilio Islands at mag-landfall sa northern Quezon-southern Aurora area, Huwebes ng gabi (June 11) o Biyernes ng umaga (June 12).
Simula Huwebes ng hapon hanggang Biyernes ng umaga, asahan ang katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan na kung minsan ay intense rains sa CALABARZON, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Occidental Mindoro, Marinduque, at Romblon.
Moderate to heavy rains naman ang iiral sa Central Luzon, Metro Manila, Western Visayas, Oriental Mindoro, at nalalabing parte ng Bicol Region at Palawan.
Samantala, light to moderate na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.